Wikang ginagamit, para nga bang hininga?

Ang wikang madalas sambit ng ating mga bibig ang madalas pag-usapan. Sa talakayang ito, ipapaliwanag kung bakit inihahambing ito sa ating hininga.

Hindi lamang ito simpleng kasangkapan ng pakikipagtalastasan kundi bahagi rin ng ating pamumuhay bilang indibidwal.

Isipin na lang kung walang hininga, paano na lang tayo mabubuhay? Ganoon din sa wika, kung wala ito ay tiyak na magkakagulo. 

{tocify} $title={Table of Contents}

Ang wika ay parang hininga
Magkakaibigang nag-uusap gamit ang kanilang wika. Ang litratong ito ay mula sa Unsplash.

Ang Wika at Buhay

Ang hanging nililikha ng mga halaman at nilalanghap natin ay mahalaga upang mabuhay. Tanggalin ito at ang lahat ay maghihikahos at mamamatay. 

Ang wika naman ay resulta ng panlipunan at kultural na pangyayari. Binubuo ito na samu't saring karanasan, kaugalian, at kasaysayan. Buwagin ito at ang lahat ay hindi magkakaintindihan, maguguluhan, at maaring mahantong sa matinding pag-aaway.

Ang Gamit ng Wika sa Araw-Araw

Aspeto ng buhayPaano ginagamit ang wika?
PamilyaInstrumento sa pagpapahayag ng pagmamahal, pag-unawa at pag-aaruga.
PaaralanMidyum sa pagbabahagi ng kaalaman at pagkatuto.
MediaDaluyan ng iba't ibang impormasyon mula sa loob at labas ng bansa.
RelihiyonPagsasabuhay ng pananampalataya, panalangin at pagsamba.
PamahalaanPagpapalaganap ng mga batas, ordinansa, at mga babala sa mga mamamayan.

Isang Konkreto at Inilimbag na Halimbawa

Ayon sa inilathalang pananaliksik ni Romeo Palustre Peña na pinamagatang Wikang Filipino: Hininga, Kapangyarihan at Puwersa, hindi kabawasan ng pagiging matalino at tanyag kung gagamitin ang wika sa iba’t ibang larangan. Dagdag dito, wala naman talaga sa wikang dayuhan ang pagkatuto nating mga Pilipino kundi nasa ating sariling wika.

Kung mas matutunan nating mahalin ang sariling atin at hindi magpadala sa maling paniniwala na kapag marunong mag-Ingles ay matalino ka na, mas maunlad sana tayo. 

Sa dulo ng lahat

Hindi natin kailangang hintayin na magkaroon muna ng espesyal na araw upang gunitain ang kahalagahan ng wika. Hindi rin natin hintayin pang mawalan tayo ng paghinga bago lubos na maunawaan ang taglay na kahalagahan nito. 

Ano mang araw at ano mang okasyon, bigyang-puri ang simbolo ng ating pagiging malaya. Ito ay bahagi ng ating identidad na siyang nagpapakita ng ating pagiging Pilipino.

Sa makatuwid, ang wika ay hindi lamang daluyan ng pagkakaintindihan kundi simbolo rin ng ating pinagmulan at kasaysayan.

Kung nais mong mas mapalawak ang kaalaman sa wika, basahin din ito: Ano ang Salawikain? Paano Ito Nagsisilbing Gabay sa Buhay.

McJulez

McJulez is a dedicated writer with a passion for creating concise summaries, sharing insightful notes, and offering fresh perspectives on various topics. With a Bachelor’s degree in Business Administration and a background in campus journalism, McJulez is committed to delivering content that is both reliable and enriching. Focused on fostering a healthy learning community, McJulez aims to make this platform a space for knowledge, growth, and meaningful connections.

Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma