Sa ating pagtalakay ng mga karakter sa iba't ibang kwento, isa ang ibong adarna sa magandang pag-usapan lalo na sa ikapitong baitang. Makulay, nakakaantig, at kapupulutan ito ng napakaraming aral.
Ang Ibong Adarna ay isa sa mga pinakatanyag na obra sa mundo ng panitikan. Isinasalaysay dito ang isang kwento na puno ng hiwaga, pag-ibig, sakripisyo, at kung paanong ang kasamaan at kabutihan ay parehong nararansan.
Ihanda ang isipan sa pag-intindi sa kahalagahan ng akdang ito na hindi lamang makikita sa mga makulay na karakter at pangyayari, kundi pati na rin sa mga aral na patuloy na nagbibigay-gabay sa mga mambabasa, anuman ang henerasyon.
Sa pamamagitan ng kwento ng paghahanap sa Ibong Adarna, ipinapakita ang mga mahahalagang pagpapahalaga na nag-uugnay sa kultura at ng bawat tao. Sana ay may mapulot kang aral sa mga mensaheng nais nitong iparating.
{tocify} $title={Table of Contents}
![]() |
Mga Tauhan sa Ibong Adarna. (Edited in Canva) |
Ang Mahiwagang Ibon
Ang kwentong ito ay umiikot sa paglalakbay patungo sa mahiwagang ibon na nagdadala ng lunas at pag-asa. Sa gitna ng mga masalimuot ng paglalahad ng mga pagsubok na pinagdaanan ng mga tauhan, mapupulot ang mahahalagang aral na tatatak sa isipan.
Ang kwento ay pinanday ng makukulay na tauhan. Ngunit sa kanilang mga desisyon at pagkilos, masasalamin kaya ang mga isyung nailahad sa kwento na may kaugnayan pa rin sa ating kasalukuyang panahon?
Sa artikulong ito, matutuklasan ang kahalagahan ng koridong ito sa paghubog ng kultura at kaugalian sa pamamagitan ng pagbisita sa bawat tauhan.
Ano ang Ibong Adarna?
Ito ay isang korido na pinaniniwalaang isinulat ng tangyag na manunulat na si Jose de la Cruz. Bagama't hindi sigurado ang orihinal na awtor nito, ang kwentong ito ay talagang sumikat sa Pilipinas. Ginawan na rin ng mga pelikula, at nasisilayan rin sa entablado sa pagtatanghal ng moro-moro o komedya.
![]() |
Puno ng Piedras Platas. AI-Generated |
Ano ang buong pamagat ng Ibong Adarna?
Handa ka na bang malaman kung sino-sino ang mga tauhan sa kwentong ito? Kung oo, halina't ating lakbayin ang mundo ng Ibong Adarna at sabay-sabay tayong matuto sa hatid nitong aral.
Basahin din: Mga diyos at diyosa ng Mitolohiyang Griyego at Romano
Mga Tauhan Sa Ibong Adarna
Ang Ibong Adarna
Isang engkantadong ibon na napakahiwaga ang awit dahil napapagaling nito ang anumang sakit ng sinumang makadinig sa awit niya, ngunit ang sinumang mapatakan ng kanyang dumi ay magiging bato.
Haring Fernando
Siya ang kilalang hari sa kaharian ng Berbanya. Siya ay iginagalang ng mga mamamayan dahil sa maayos na pamamalakad niya sa kaharian ng Berbanya.
Siya naman ang asawa ni Don Fernando at ina ng tatlong prinsipe ng Berbanya na sina Don Pedro, Don Diego, at Don Juan. Siya ang tumutulong sa hari sa maayos na pamamalakad sa buong kaharian.
Don Juan
Siya ang pinakamabait na prinsipe. Siya ang bunsong anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Siya ang nakakuha sa Ibong Adarna na makakapagpagaling sa sakit ng kanyang ama.
Don Pedro
Siya ang panganay sa tatlong magkakapatid. Magiting man siyang ituring ngunit may itinatago naman siyang kasakiman.
Don Diego
Siya naman ang pangalawang anak na palaging nakabuntot sa kapatid niyang si Don Pedro. Siya’y nalilihis ng landas dahil sa maimpluwensiya niyang kapatid na si Don Pedro.
Ang Ermitanyo
Siya ang matandang nagpayo kay Don Juan tungkol sa mga kailangan niyang gawain para mapasakamay niya ang Ibong Adarna.
Matandang Leproso
Ang matandang nagbigay ng paalala kay Don Juan na makipagkita muna siya sa ermitanyo bago niya tangkahing hulihin ang Ibong Adarna.
Donya Juana
Siya ang prinsesang iniligtas ni Don Juan mula sa higanteng nagbabantay sa kanya. Siya ay kapatid din ni Donya Leonora.
Donya Leonora
Siya naman ang bunsong kapatid ni Donya Juana at iniligtas din siya ni Don Juan mula sa serpyenteng may pitong ulo.
Donya Maria Blanca
Ang prinsesa sa kaharian ng Delos Cristal at nagtataglay ng mas makapangyarihang mahika kaysa sa mahika ng kanyang ama na si Haring Salermo.
Haring Salermo
Siya ang Hari at namamahala sa kaharian ng Delos Cristal na may taglay na mahikang itim. Siya ang ama ni Donya Maria Blanca.
Manggagamot
Siya lamang ang tanging nakaalam sa karamdamang tinataglay ng hari sa kaharian ng Berbanya.
Sa Dulo ng Lahat
Ang lbong Adarna ay hindi lamang kwento ng pagmamahalan at kapangyarihan sa kaharian ng Berbanya. Ito ay salamin ng mas malawak na mundo kung saan ang reyalidad ay naka-ugat sa samu't saring isyu na pinangungunahan ng kasakiman ng mga tao.
Kahit kadugo, merong tao na itutulak ka sa kapahamakan. Isa itong sakit sa lipunan na kahit ngayon ay hindi mawala- wala.Gayunpaman, ang kabutihan ng puso ay nananaig pa rin. Ito ang pumuputol sa sungay ng mga tao sa mapaglarong mundo.
Sa dulo ng lahat, magbigay-respeto sa kahit sinuman. Dahil ang kabutihang ginagawa sa kapwa ay babalik din sa atin.
At 'yan ang mga tauhan nito. Pagkatapos niyo itong basahin, may nais lamang akong itanong sa inyo. Sa mga tauhang nabanggit, sino sa palagay niyo ang pinakanagustuhan niyo? Bakit?