Editorial Policy

Sa Kaya Ko Rin, naninindigan kami sa paghahatid ng mga sulating may saysay, mapagkakatiwalaan, at tapat sa layunin. Ito ang patuloy na paniniwala sa kakayahan ng bawat mambabasa sa aming blog.

Ang lahat ng sulatin, gabay, at kwento ay produkto ng pinagsamang karanasan, pananaliksik, at sinserong layunin na maghatid ng makabuluhang kaalaman na nakakatulong sa bawat mambabasa.

Patnubay sa Pagsulat at Paglalathala sa Kaya Ko Rin

Ang mga sumusunod na prinsipyo ang nagsisilbing gabay sa lahat ng aming sulatin:

Katotohanan

Mahalaga sa amin ang kredibilidad. Bago mailathala, ang bawat impormasyon ay masusing sinusuri ang mga ito. Ang bawat datos na sinasama ay mula sa mapagkakatiwalaang sanggunian. Kapag may pagkakamali man, paunmanhin at agad namin itong iwawasto.

Walang Kinikilingan

Hindi kami nagpapalaganap ng anumang pampulitika, panrelihiyon, o personal na bias. Layunin naming mailahad ang bawat paksa nang patas at hindi nakabatay sa iisang panig lamang. 

Pagkakapantay-pantay

Iba-iba man ang ating pinagmulan, edukasyon, o estado sa buhay pero sinisikap naming maging inklusibo ang aming sulatin  upang walang mambabasang mapag-iiwanan.

Kalayaan sa Pagsulat

Tanging kami bilang mga manunulat at editor ang may ganap na kontrol sa bawat sulatin na nakalathala sa aming blog.

Etika

Hindi namin pinahihintulutan ang mga sulating makakasama, mapanirang-puri, o lumalabag sa karapatang pantao. Pinangangalagaan din namin ang privacy ng bawat isa at hindi kami naglalabas ng personal na impormasyon nang walang pahintulot.

Paggamit ng Artificial Intelligence

Malinaw na inihahayag sa mga sumusunod na talata kung paano ginagamit ang AI sa pagbuo ng mga sulatin sa Kaya Ko Rin:

Ang AI ay katuwang lamang

Ang paggamit ng teknolohiya para sa inisyal na bersyon ng mga sulatin ay klarong sinasabi. Bago pa man ito mailathala, masusi itong dumadaan sa rebyu o kritik ng mga manunulat.

Ang mga manunulat pa rin ng Kaya Ko Rin ang may huling desisyon at kakayahan sa paglilimbag ng mga ito. Ang tono, pahayag at layunin sa nilalaman ay nanggagaling sa manunulat o editor.

Alam namin ang hangganan ng teknolohiya. Ang AI ay walang kakayahang umunawa ng damdamin, kultura, at kabuuang konteksto ng bawat sulatin. Kaya’t kung meron mang galing dito, dumadaan ito sa masusing pagsusuri.

Bakit Ito Mahalaga

Ang layunin ng patakarang ito ay mapanatili ang tiwala at respeto ng aming mga mambabasa. Sa Kaya Ko Rin, hindi lang kami basta nagsusulat. Ang lahat ng inililimbag ay may layunin, paninindigan at mensahe.

Malugod naming tinatanggap ang anumang mungkahi, puna, o opinyon mula sa inyo. Kaya kung may opinyon, katanungan, o mensahe, huwag mag-atubiling kontakin ang aming page.

Basahin din ang buong Privacy Policy.


Mag-post ng isang Komento