Napapaligiran tayo ng mga impormasyon at napakaraming mapagkukunan subalit ang iba'y napakahirap intindihin at masyadong malawak. Gayunpaman, meron namang mga materyales na ipinapaliwanag ang mga bagay-bagay sa simpleng paraan katulad ng Kaya Ko Rin. Ito ay ginawa upang magsilbing gabay para sa bawat mag-aaral o indibidwal na nais pang matututo maliban sa inaaral sa loob ng silid-aralan at tahanan.
Ang Kaya Ko Rin ay hindi lamang isang simpleng website. Ito ay isang adhikain—isang paninindigan na naglalayong maghatid ng napapanahon na kaalaman sa bawat isa. Nakakatulong ito upang mas lalong mapagyabong ang kaalaman lalo na sa mga sumusunod na kategorya na siyang sentro ng website na ito:
- Pagsusulat- Naglalaman ito ng mga artikulong nagbibigay-gabay sa wastong paggamit ng balarila o Filipino grammar, pagsulat gamit ang personal na estilo, at iba pang mahalagang aspeto ng pagsusulat. Tinatalakay rin dito ang mga pangkalahatang usaping sumasagot sa tanong na "Bakit?" upang magbigay-linaw sa pag-unawa sa sining ng pagsusulat.
- Pagsusuri - Sa seksyong ito, masusing sinuri ang iba't ibang kwento, tula, at nobela upang maipahayag ang kahalagahan ng bawat paksa. Bukod sa mga mensaheng nais iparating ng mga akda, tinalakay din ang mga karakter upang maunawaan ng mambabasa ang kanilang papel at epekto sa kabuuan ng kwento.
- Panitikan - Itinampok dito ang mga sulatin na nakatuon sa tula, sanaysay, maikling kwento, at iba pang uri ng panitikan. Ang kategoryang ito ay nakasentro sa tanong na "Ano ang?" upang bigyang-diin ang likas na kagandahan at kahalagahan ng ating panitikan.
- Blog - Dito naman matatagpuan ang mga napapanahong balita, lathalain, at iba pang sulatin na may kaugnayan sa bagong sistema at kaganapan lalo na sa sektor ng edukasyon sa bansa.
Ako si Mark o McJulez, isang dating student journalist na may layuning magbahagi ng mga natutunan. Dahil rin sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya, maraming kabataan ang mas nawiwili sa paggamit ng social media at teknolohiya. Dahil dito, ako ay gumawa ngayon ng website na siyang maaaring puntahan ng mga mag-aaral para mas maintindihan ang mga bagay na nahihirapan sila.
Sa bawat sulatin na aking ibabahagi dito, mararamdaman mo ang adhikaing ipalaganap ang disiplina, kritikal na pag-iisip, at paghubog na karakter. Ito'y dahil nais kong iparamdam sa mga mambabasa na ang pagkatuto sa isang bagay ay isang patuloy na proseso ng paglago—hindi lamang bilang estudyante kundi bilang indibidwal.
para kanino ang kaeskwelaph?
Ang Kaya Ko Rin ay para sa lahat ng mga indibidwal lalo na ang mga estudyante na:
- Kailangan pa ulit basahin ang ilang aralin kung saan nahihirapan.
- Visual learners - mas nakakaintindi sa pamamagitan ng mga larawan o diagram.
- Mas natututo sa pagbabasa gamit ang gadgets.
- Nahihirapan sa pagsunod sa mga deadline at pressure ng mga requirements.
- Kailangan ng extra time at effort upang maintindihan ang mga komplikadong konsepto.
- Madalas nakakaramdam ng stress dahil sa dami ng mga gawain at assignments.
Dahil sa mga bagay na ito, ang website na ito ngayon ay ginawa upang maghatid ng mga kaalaman at magsilbi bilang isang makabuluhang website kung saan ang mga estudyante ay matututo at mag-eenjoy.
Sa pamamagitan ng KaEskwela PH, hangad ko na maging makabuluhan at kasiya-siya ang bawat karanasan ng mga mag-aaral habang pinapalawak nila ang kanilang kaalaman sa mga nabanggit na kategorya, pati na rin ang paghubog sa kanilang karakter sa tunay na hamon ng buhay.