Oplan Balik Eskwela 2025 Pinaghahandaan Na

Bilang preparasyon sa pagpasok ng School Year 2025-2026, naglabas ang Department of Education ng bagong memo noong ika-22 ng Mayo, taong 2025. Ito ang DM 045, s. 2025 na may pamagat na "2025 National Oplan Balik Eskwela." Ang naturang memo ay naglalaman ng impormasyon patungkol sa mga hakbang ng preparasyon sa pagbabalik ng mga estudyante. Ang OBE ay inaasahang magsisimula sa June 9 hanggang 20.

Brigada Iskwela 2025
Balita | Oplan Balik Eskwela 2025. Ang litratong ito ay mula sa Unsplash

Bahagi ito ng mga hakbang ng Department of Education (DepEd) upang matiyak na ang bawat isyung kinahaharap ng mga paaralan ay agad na matutugunan bago magsimula ang pasukan. Layunin ng mga aksyong ito na matulungan ang mga guro, magulang, at mag-aaral sa kanilang mga pangangailangan at masagot ang mga katanungan ukol sa kalagayan ng mga pasilidad, kakulangan sa kagamitan, at iba pang suliraning maaaring makaapekto sa pag-aaral. 

Sa pamamagitan ng maagang pagtugon, inaasahang magiging maayos at ligtas ang pagbabalik ng mga mag-aaral sa kanilang silid-aralan at mas mapapalakas ang tiwala ng publiko sa sistemang pang-edukasyon.

Inaasahan ang pagdagsa ng mga volunteers sa mga paaralan upang isagawa ang brigada eskwela. Ilan sa mga aktibidades na gagawin ang pag-ayos sa mga upuan na may sira, pagpinta sa mga kisameng kupas na ang pinta, at aayusin ang paligid bilang preparasyon sa ligtas na pagpasok ng mga estudyante sa maayos na kapaligiran.

Samantala, maraming estudyante rin ang inaasahang mag-aabot ng kamay upang tumulong at maiisa sa paghahandang ito. Katulong din ang ilang kawani ng gobyerno at non-government organizations (NGOs) sa pagsasabuhay ng simbolo ng ating pagkakaisa at malasakit para sa edukasyon ng kabataan.

Sa kabilang banda, abala na rin ang mga magulang sa paghahanda ng mga kagamitang pang-eskwela ng kanilang mga anak. Ito ay pagpapakita ng suporta sa nalalapit na pagbubukas ng klase. Kabilang sa kanilang pinaghahandaan ang pagbili ng bagong uniporme, mga gamit sa pagsusulat, notebook, bag, at iba pang mahahalagang pangangailangan sa paaralan. 

Sa kabila ng tumataas na presyo ng ilang bilihin, patuloy pa rin ang pagsusumikap ng mga magulang upang matiyak na handa ang kanilang mga anak sa pagpasok. Ipinapakita nito ang kanilang dedikasyon at malasakit sa edukasyon bilang pundasyon ng magandang kinabukasan para sa kanilang pamilya.

Antabayanan naman ang mga susunod na impormasyon mula sa Department of Education (DepEd) sa pamamagitan ng patuloy na pag-follow at pagbisita sa kanilang mga opisyal na plataporma gaya ng website, Facebook, Twitter, Instagram, at iba pang media channels. 

Mahalaga ang pagiging updated upang malaman ang mga bagong anunsyo, gabay, at paalala ukol sa nalalapit na pagbubukas ng klase. Sa ganitong paraan, masisiguro ng mga magulang, guro, at mag-aaral na handa sila sa anumang pagbabago o panibagong patakaran na ipatutupad. Magsilbi sana itong paalala na ang tamang impormasyon ay susi sa maayos at ligtas na pagbabalik-eskwela.

Mababasa ang buong detalye ng memo sa sumusunod na link: May 22, 2025 DM 045, s. 2025 – 2025 National Oplan Balik Eskwela

McJulez

McJulez is a dedicated writer with a passion for creating concise summaries, sharing insightful notes, and offering fresh perspectives on various topics. With a Bachelor’s degree in Business Administration and a background in campus journalism, McJulez is committed to delivering content that is both reliable and enriching. Focused on fostering a healthy learning community, McJulez aims to make this platform a space for knowledge, growth, and meaningful connections.

Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma