Mula sa 9,533 na matatapang na nakipagbakbakan sa tatlong araw na Licensure Examination for Certified Public Accountants, 3,156 o katumbas ng 33.11% ang matagumpay na nakamit ang tatlong letra titulo—CPA o Certified Public Accountant. Ito'y ayon sa kakalabas lamang na resulta mula sa Professional Regulation Commission (PRC) sa June 3, 2025.
Isinagawa ang LECPA noong Mayo 25–27, 2025, sa iba't ibang testing centers sa buong bansa, kabilang ang National Capital Region at Baguio.
Mula sa porsyento ng pumasa, ipinapahiwatig na sa bawat tatlong takers sa May 2025 LECPA, isa ang pumapasa. Samantala, sa libo-libong nakipagsapalaran sa isa sa pinakamahirap na board exams sa Pilipinas, nakamit ni John Elrich Ramirez Gamboa ng University of the Philippines-Diliman ang unang pwesto na may rating na 92.67%.
Nakamit rin ng University of the Philippines-Diliman ang unang pwesto sa Top Performing Schools na may 100% passing rate. Sinundan naman ito ng Bicol University-Daraga na may 88.33%. Matatandaan na sa May 2024 at September 2023 CPA board exam, walang institusyon ang nakapasok sa top performing list.
Sa bandang norte, nagkamit naman ng 93.75% passing rate ang Kingfisher School of Business and Finance samantalang 78.05% naman ang pumasa sa University of Northern Philippines.
Narito ang buong listahan ng mga matagumpay na nakapasok sa Top 10 ng naturang LECPA na hango sa PRC.
Mailap man ang titulo para sa mga hindi pinalad, isang testamento pa rin ng tagumpay ang katapangang ipinamalas ng bawat isa. Hindi basta-basta ang pinagdaanan upang makuha ang diploma, at lalong nakakabilib ang katapangang ipinakita sa tatlong araw na pakikipagtuos sa LECPA.
Isang mahigpit na yakap at isang masigabong palakpakan para sa lahat. Hindi man ngayon ang panahon, darating at darating din ang oras kung saan magpupgay din ang puso at makakamtan din ang pinakaasam-asam na titulo.
Balitang Lathalain | LECPA May 2025 Results Lumabas na |
Tunay na ang resulta ng LECPA 2025 ay nagpapakita ng patuloy na hamon at oportunidad sa larangan ng accounting sa bansang Pilipinas. Habang may mga institusyong nagpakita ng matataas na passing rates, isang indikasyon ang pangkalahatang passing rate sa pangangailangan ng masusing paghahanda at suporta mula sa mga institusyong pang-edukasyon.
Sa kabila ng mga hamong hinarap, ang tagumpay ng bawat isa ay patunay ng kanilang dedikasyon at pagsusumikap para sa pangarap. Sana ay magsilbing inspirasyon ito sa mga susunod pang henerasyon ng mga Certified Public Accountants sa Pilipinas.
Para naman sa oath-taking at pagrerehistro ng Professional Identification Card (ID) at Certificate of Registration, antabayanan lang ang mga susunod na updates ng PRC.