Palarong Pambansa 2025 Pormal nang Nagsimula: Laban ng Lakas, Talino, at Puso ng Kabataang Pilipino

Palarong Pambansa 2025
Balita | Palarong Pambansa 2025 Pormal nang Nagsimula. 

Dinaluhan ng mahigit 15,000 student-athletes, coaches, at opisyal mula sa 18 rehiyon ng bansa, ang Palarong Pambansa 2025 sa ika-animnapu't lima nitong edisyon ay opisyal na nagsimula noong Sabado, Mayo 24.

Ang naturang edisyon ay magaganap sa loob ng walong araw, mula Mayo 24-31. Sa pagsisimula nito noong sabado sa Ferdinand E. Marcos Memorial Stadium sa Laoag City, Ilocos Norte, kapansin-pansin ang dagsa ng mga tao, delegates, coaches, at mga student athletes na talaga namang pinaghandaan ang pangyayaring ito.

Ang bilang ng delegasyon na magsisiklaban ng lakas, talino at liksi ay aabot sa dalawampo (20). Ito ay nagmumula sa labingwalong (18) rehiyon ng bansa, pati rin ang National Academy of Sports (NAS), at ang Philippine Schools Overseas (PSO).

Narito ang ilang isports na paglalabanan ng mga atleta:

Sa regular sports, masasaksihan ang archery, arnis, athletics, badminton at mga ball games kagaya ng baseball, football, softball, volleyball, basketball (5x5), at basketball (3x3). Magsisiklaban din ang mga atleta sa boxing, magtutuos sa chess, magsisindakan sa dance sport, at magpapagalingan sa gymnastics.

Hindi rin mawawala ang sepak takraw, swimming, table tennis, taekwondo, tennis, wrestling, at demo sport katulad ng weightlifting, kung saan nasungkit ni Hidilyn Diaz ang kauna-unahang gintong medalya para sa Pilipinas sa Olympics.

Sa pagsisimula ng palaro noong ika-24 ng Mayo, nasungkit ng athletics bet na si Chrisia Tajarros mula Region 8 ang unang gintong medalya sa Palarong Pambansa 2025 ayon sa inilathalang balita ng GMA News Online na may pamagat na 2025 Palarong Pambansa: Guide and Updates.

Ayon naman sa overall medal tally as of May 29 na inilathala ng Rappler, nangunguna pa rin ang National Capital Region (NCR) na nagtala ng isang daan at pitumpo't isang medalya (151 medals), kung saan pitumpu't tatlo (73) ang ginto, limampu't isa (51) ang pilak, at dalawampu't pito (27) ang tanso. Samantala, ang Ilocos Region naman na siyang host ngayon ng naturang kaganapan ay nasa ika-labindalawang pwesto.

Kapansin-pansin naman ang pagbibigay prayoridad ng Department of Education (DepEd) sa kaligtasan ng mga kalahok sa pamamagitan ng mahigpit na health protocols, medical stations, at emergency response teams sa bawat venue.

Ang Palarong Pambansa 2025 ay inaasahang magtatapos sa ika-31 ng Mayo, na may seremonya ng pagkilala sa mga nanalong atleta at rehiyon. 

Ang taunang palarong pambansa ay isang patunay sa kahalagahan ng sports sa paghubog ng kabataan at pagbibigay ng inspirasyon sa buong bansa.

Antabayanan ang maiinit na tagpo mula sa iba't ibang media at social platforms para sa bago at umaatikabong updates sa Palarong Pambansa 2025.

Ang litratong ginamit ay mula sa Unsplash

Basahin din: Oplan Balik Eskwela 2025 Pinaghahandaan Na


McJulez

McJulez is a dedicated writer with a passion for creating concise summaries, sharing insightful notes, and offering fresh perspectives on various topics. With a Bachelor’s degree in Business Administration and a background in campus journalism, McJulez is committed to delivering content that is both reliable and enriching. Focused on fostering a healthy learning community, McJulez aims to make this platform a space for knowledge, growth, and meaningful connections.

Mag-post ng isang Komento

Mas Bago Mas luma