Mula sa mga salitang ipinasa-pasa mula sa sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan, ang alamat ay isang makasaysayang uri ng panitikan na hanggang ngayon ay patuloy pa ring tinatalakay at pinag-uusapan. Ang mga pinagmulan ng mga bagay-bagay ay malikhaing inilahad sa pamamagitan ng kwento at kung bakit ganon na lamang kahalaga ang ambag nito sa atin kasaysayan ay siyang tatalakayin sa sulating ito.
{tocify} $title={Table of Contents}
Ano ang Alamat?
Paksa at Katutubong Kultura
- Magandang kalooban
- Katapatan
- Katapangan
- Mapagkumbaba
- Kasakiman
- Kalupitan
- Paghihiganti
- Mapagmataas
Gayunpaman, sa kabila ng mga bagay na nabanggit, karaniwan namang kapupulutan ng aral ang mga alamat. At kung iyong napansin, ang bawat alamat ay nais maghatid ng mensahe na ang kabutihan ay laging nangingibabaw kumpara sa kasamaan.
Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Alamat
Ang mga karunungan-bayan na kinabibilangan ng mga alamat ay makabuluhang parte ng ating kasaysayan na hinubog at pinalaganap ng ating mga ninuno.
Sa pamamagitan ng paraang pasalita, nagpasalin-salin sa bibig ang mga ito sa bawat henerasyong dumating.
Kung ating babalikan ang mga nagdaang panahon, ang mga kauna-unahang alamat ng ating mga ninuno ay mapapansing tumutukoy sa mga anito, bathala, at pananampalataya sa Lumikha.
Sa pagdating ng mga dayuhan, lalo pang napayaman ang mga kultura't panitikan. Dahil din dito, natuto ang ating mga ninuno ng alpabeto na tinatawag ngayong Alibata.
Sa katotohana'y, ang ilan sa ating mga alamat na bukambibig natin ay naisatitik ng ating mga ninuno sa mga bagay na natural na matatagpuan sa paligid. Kabilang dito ang kawayan, dahon, kahoy, at maging sa mga bato sa pamamagitan ng pag-ukit. Ang karaniwang gamit ay mga matutulis na bagay kagaya ng kahoy o bato.
Sa Dulo ng Lahat
Ang pag-unlad ng ating wika at paraan ng pagsulat ng ating mga ninuno ay siyang naghudyat sa patuloy na paglaganap ng mga alamat. Bagama't may mga nailimbag, mas nakahihigit pa rin ang mga alamat na nagpasalin-salin sa bibig nating mga Pilipino.